Kahit Walang Sabihin
muling kakagat
ang hating gabi
magigising
ang panaginip
bawat mithing naidlip
dagliang babangon
kahit walang sabihin
maririnig ang damdamin
naghihimagsik
na dugo at laman
sa ilalim ng buwan
muling haplusin
apoy ng katawan
marahang ipikit
ang iyong kamalayan
bawat patak ng dugo
muling aalon
kahit walang aminin
madadama sa hangin
ang
tibok ng pusong
may pag ibig na
higit sa walang hanggang